BSP, naghigpit ng seguridad matapos na dagsain ng libo-libong claimant dahil sa umano’y tagong yaman

Naglabas na ng paglilinaw ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa libo-libong nagprotesta sa labas ng kanilang opisina.

Ayon sa BSP, hindi sila namimigay ng salapi sa taumbayan sa halip ay nagbibigay sila ng dibidendo sa pamahalaan para magamit sa mga programa at iba pang proyekto na maaring makapag-angat ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng mandato nito, ang bangko sentral ay may tungkuling itaguyod at panatilihin ang katatagan ng presyo, pagkakaroon ng malakas na financial system, at isang ligtas at mahusay na sistema ng pagbabayad at pag-aayos sa bansa.

Maalalang pinaglalaban ng mga nag kilos-protesta ang hindi naibigay umanong P130 trilyon para sa mamamayang Pilipino.

Pinangunahan ito ni Prince Gilbert Salvador, na naghahangad na ilabas ang nakatagong pera sa BSP, para mapakinabanagan ng taumbayan at mawakasan ang kahirapan ng bansa.

Nagpatupad na rinng mas mahigpit na seguridad ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sinabi naman ng mga security personnel ng BSP, walang nasabi sa kanila ukol sa anumang claim at kung may mga taong darating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *