BU, nakakuha ng 70% first time takers passing rate sa November 2023 civil engineers licensure exam

LEGAZPI CITY – Nakakuha ng 70% first time taker passing rate ang Bicol University sa isinagawang November 2023 Civil Engineers Licensure Examination.

Batay ito sa ipinalabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC), kung saan 91 sa 130 first time takers na mga alumni ng pamantasan ang nakapasa.

Samantala, sa kabuuan na nag-take ng pagsusulit mula sa pamantasan, nakakuha ito ng 55.56%, kung saan nasa 100 ang kabuuang bilang ng mga nakapasa sa 180 na nag-take nito.

Ayon sa pamunuan ng institusyon, kanila itong ikinatutuwa dahil napakalaking karangalan ito mula sa kanilang naging mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *