BuCor: Murder convict Ruben Ecleo Jr., pumanaw na

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na pumanaw si Ruben Ecleo, Jr., ang dating mambabatas na guilty sa pagpatay sa kanyang asawa.

Ayon kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, si Ecleo na nakakulong sa New Bilibid Prison, ay pumanaw dahil sa cardiopulmonary arrest, alas 12:20 ng hapon ngayong Huwebes.

Pero bago nito, nakarekober muna si Ecleo mula sa COVID-19, isang linggo na ang nakakaraan.

Matatandaan na ang leader ng Philippine Benevolent Missionaries Association, isang Dinagat-based cult, ay naaresto sa Pampanga noong July 2020, walong taon matapos itong hatulan ng pagkakakulong dahil sa pagpatay sa kanyang asawa, na nadiskubreng na-aagnas na ang bangkay sa isang bangin noong January 2002.

Ang dating Dinagat Islands congressman ay una nang nahatulan ng graft kaugnay sa umano’y maanomaliyang construction project, noong ito ay alkalde ng San Jose, Surigao del Norte mula 1991 hanggang 1994. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *