BuCor, pinag-aaralan ang pagbibigay ng executive clemency sa mga PDL na may edad 70 pataas

Pinag-aaralan ngayon ng Bureau of Corrections ang posibilidad na mabigyan ng executive clemency ang mga persons deprived of liberty na may edad 70 pataas bilang bahagi ng decongestion process ng mga kulungan nito.

Sa panayam sinabi ni BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr., na pinayagan ang naturang hakbang noong termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nauna nang sinabi ni Department of Justice spokesperson Mico Clavano na uunahin ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang decongestion ng mga kulungan sa ilalim ng BuCor, dahil ang New Bilibid Prison ay napatunayang may congestion rate na 300%.

Dagdag pa niya, hinahangad ni Remulla na ilipat ang maximum security ng NBP sa Sablayan Prison sa Occidental Mindoro at ang minimum security sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Catapang na mahigit 1,500 matatandang PDL ang maaaring ilipat sa pasilidad sa Fort Magsaysay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *