National

BuCor, planong magsampa ng kasong plunder vs Bantag hinggil sa kuwestyonableng pagpapalabas ng pondo

Plano ngayon ng Bureau of Corrections na magsampa ng kasong plunder laban kay suspended BuCor chief Gerald Bantag hinggil sa kuwestyonableng pagpapalabas ng  ₱1 bilyon pondo para sa konstraksyon ng mga prison facilities.

Sinabi ni Acting BuCor chief Gregorio Catapang, mayroon na silang mga ebidensiya na magpapatunay na humigit-kumulang ₱300 milyon ang inilabas kahit hindi pa natatapos ang proyekto.

Sinabi ni Catapang na makikipagpulong sila sa  Anti-Money Laundering Council authorities para tanungin sila kung paano gagawin ang pagsasampa ng kasong plunder.

Ita-tap din ang AMLC para tingnan ang bank accounts ni Bantag at ng kanyang mga kapamilya para malaman kung may transfer sa inilabas na pera.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago