Budget para sa pagkakaroon ng bagong Public Cemetery nakapaloob sa halagang 150 milliong piso na uutangin ng LGU-Naga sa isang bangko 

NAGA CITY – Matutuloy na ang pagkakaroon ng bagong public cemetery ng Naga City dahil may pondo na itong nakasama sa 150 milyong piso na nakatakdang i-loan ng lokal na pamahalaan sa isang bangko, ayon kay Frank Mendoza, budget officer ng city government.

Sa kanyang ginawang paliwanag sa harapan ng konseho sa regular session kahapon,sinabi niyang particular na nakapaloob ang pondo nito sa bahagi 100 milyon piso ng naturang principal amount, pati na rin ang pagbili ng lote sa magiging bago ring city abattoir.

Nasa proseso na ang lahat, ang mga dokumento at requirements na hinihingi ng bangko kaya wala ng nakikitang problema o aberya ang planong ito na agad ipapatupad sa oras na ma i-release na ang nabanggit ng halaga na ayon sa kanya ang mga projects na ito ay gagawin sa upper barangay ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *