Budget sa pagpapatayo ng school buildings napakaliit ayon kay Usec Densing

CAMARINES NORTE – Aminado ang Department of Education na masyadong maliit ang budget sa sektor ng edukasyon partikular sa pagpapatayo ng mga school buildings.

Ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing III, undersecretary in-charge ng School Infrastructure and Facilities (SIF) umaasa umano ang departamento na makahingi ng dagdag na budget lalo na para sa pagsasaayos ng mga eskwelahan sa Camarines Norte na nasira ng mga nangyaring lindol.

Tugon ito ng opisyal nang matanong ng local media hinggil sa kung ano ang plano ng departamento sa mga school buildings na naapektuhan ng malalakas na lindol.

Kinausap rin umano ng DepEd ang Department of Public Works ang Highways upang ang mga gagawing school buildings ay maging resilient sa malalakas na lindol at bagyo.

Si Densing ay nagsilbing panauhin sa groundbreaking ceremony ng itatayong school buildings sa bayan ng Mercedes at para inspeksyunin na rin ang ilang mga gusali.

Target din umano ng departamento na  alisin na ang mga makeshift classroom o temporary learning spaces at mapalitan ito ng mga bagong gusali para maayos na makapag- aral ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *