Bulag na Kabayo sa U.S, hindi naging hadlang ang kapansanan upang makasungkit ng 3 Guiness World Titles

Mistulang hindi naging hadlang ang kapansanan sa isang bulag na kabayo sa Oregon, U.S, matapos na masungkit at makatanggap ito ng tatlong world titles sa Guinness.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Guinness Organization na nasungkit nito ang “Highest Free Jump by a Blind Horse”, “Most flying Changes by a Horse in One Minute” at Fastest Time for a Blind Horse to Weave Five Poles”.

Ang kabayong nagngangalang Endo ay natanggap umano ng may ari na si Morgan Wagner noong kaniyang kabataan kung saan ito’y regalo din umano sa kaniya ng kaniyang lolo at lola.

Tinanggalan umano ito ng mata sa kadahilanang nagkasakit ito ng Equine Recurrent Uveitis noong walong-taong gulang pa lamang.

Samantala, ngayon na umabot na sa 22 taong gulang si Ebon ay bumalik na umano ang kaniyang kompiyansa upang gawin ang mga bagay na dati na niyang ginagawa sa kanilang rancho.

Kaakibat nito, lubos na nagpasalamat si Wagner sa Guinness organization dahil sa pagbibigay ng tiyansa at plataporma sa mga hayop upang ipakita sa buong mundo at magbigay-aral na kahit may kapansanan, kaya rin umano nila ang mga bagay na kayang gawin ng mga normal na hayop.|WL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *