Bulusan Volcano, itinaas sa Alert Level 1

Limang araw lamang matapos ang babala na tumaas ang aktibidad sa Bulusan Volcano, itinaas ng Phil Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang status ng bulkan sa Alert Level 1 kahapon ng hapon, Oktubre 12.

Una rito, ang bulkan ay nasa ilalim ng Alert Level 0, ang pinakamababang antas, mula noong Agosto 21.

Sinabi ng Phivolcs na ang Alert Level; 1 ay nagangahulugan na ang bulkan ay ‘’kasalukuyang nasa estado ng mababang antas ng ‘unrest.’

Naobserbahan ng Phivolcs ang mga sumusunod: 126 na mahina at mababaw na volcanic earthquakes na may lalim na 5 kilometro simula umaga noong Martes, Oktubre 1; short-term inflation o pamamaga ng southern flanks ng bulkan mula noong Abril at noong huling bahagi ng Setyembre ay may naitlang ‘’pronounced at ongoing inflationary trend; tumaas naman simula noong Hulyo ang sulfurous odor na naamoy ng mga residente ng Sitio Talistison, Brgy Mapaso sa bayan ng Irosin at Brgy San Roque, Buylusan noong Oktubre 10 at 11.

Bunsod nito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na huwag pumasok sa 4-km-radius PDZ na nakapalibot sa bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *