Bumbilyang isinubo ng isang lalaki matapos kumasa sa Bumbilya Challenge, hindi mailuwa-luwa

Kakaiba ang sinapit ng isang lalaki sa China na pinangalanang Chen matapos ngang isubo ang isang bumbilya sa kanyang bibig.

Dahil sa pambihirang ginawa ng lalaki ay humantaong sa isang pigil-hiningang eksena matapos na hindi na mailuwa-luwa ang isang bumbilya  sa kanyang bibig.

Agad na humingi siya ng tulong sa pinakamalapit na fire station sa kanilang lugar pero bigo nilang matanggal ang naturang LED light bulb dahil baka mabasag sa bibig ng lalaki at baka maging sanhi pa nang mas malala at baka humantong pa sa mas delikadong sitwasyon.

Dinala ang lalaki  sa kalapit na Yuyao People‚Äôs Hospital at ayon sa doktoor, hindi na maibuka ng lalaki ang kanyang bibig dahil ngawit na ito.

Kaya naman, ginamitan na ng isang aparato para mai-dislocate muna ang isang panga ni Chen at mailabas ang bumbilya nang hindi ito nababasag. Dahil dito ay natanggal nan g doktor ang naturang bulb na kung saan ayon sa lalaki umabot nang halos dalawang oras na nakasalpak sa kanyang bibig.

Ayon sa lalaki, ginawa niya lamang ito matapos mapanood sa social media ang video ng pagsubo ng bumbilya. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *