Bumili na ng LPG busod ng inaasahang pagtaas sa pagpasok ng 2024 – DOE

Pinapayuhan na ng Department of Energy (DOE) ang publiko na maagang bumili na ng kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito sa pagpasok ng bagong taon.

Bagaman hindi pa inilalabas ng DOE ang kaukulang halaga kung magkano ang itataas ng presyo ay tiniyak nitong gagalaw ang halaga dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa red sea.

Ayon sa ahenysa, dahil sa political tension at problema sa Panama at Suez Canals ay madaragdagan ang konsumo ng mga oil tankers bunsod ng mahaba-habang byahe na tiyak ipapataw sa presyo ng LPG.

Una rito, P4.95 ang itinaas ng presyo ng sang tipikal na 11-kilogram na tangke ng LPG nitong nakalipas na buwan habang P.45 sentimo ang naidagdag sa kilo ng petron LPG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *