Buntis, patay matapos umanong malunod sa Tayabas City

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 26-anyos na ina sa irigasyon malapit sa tahanan nito sa Barangay Opias, Tayabas City nitong Sabado, Pebrero 17.

Bago umano mangyari ang insidente, mag-isa noong naglalaba ang biktima sa nasabing irigasyon.

Ayon din sa pamilya ng biktima, nakakaranas umano ito ng pagkahilo dulot ng pagbubuntis at mayroon din umano itong history ng epilepsy.

Posible umanong ito ang naging sanhi ng pagkalunod ng biktima.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng pamilya ang mga labi ng nasabing biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *