Buong Bicol Region nakasailalim na sa Signal number 1 dahil sa Bagyong Dante

BNFM BICOL—Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Dante sa direksyong Hilagang Kanluran patungong Eastern Visayas.

Sa Severe Weather Bulletin Number 9 ng Pagasa na inilabas kaninang alas 5:00 ng umaga, huling namataan ang sentro nito sa layong 310 km Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 380 km Silangan ng Maasin City, Southern Leyte (10.2°N, 128.3°E).

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 90 km/h sa bilis na 20 km/h.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa:

  • Eastern Samar
  • Samar, at
  • Northern Samar

Signal Number 1 sa

LUZON:

  • Masbate
  • Sorsogon
  • Albay
  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte, at
  • southeastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres)

VISAYAS:

  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Biliran, at
  • northern portion ng Cebu (Catmon, Sogod, Borbon, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, San Remigio, Tabuelan) including Bantayan and Camotes Islands

MINDANAO:

  • northern portion ng Surigao del Sur (San Agustin, Marihatag, Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, San Miguel),
  • northern portion ng Agusan del Sur (Sibagat),
  • northern portion ng Agusan del Norte (City of Cabadbaran, Santiago, Tubay, Jabonga, Kitcharao)
  • Dinagat Islands, at
  • Surigao del Norte

Base sa Track and Intensity outlook ng Pagasa, patuloy na kikilos ang Bagyong Dante sa direksyong Hilagang Kanluran hanggang bukas at inaasahan itong maglalandfall sa Eastern Samar mamayang gabi o bukas ng umaga at daraan sa bisinidad ng Camarines Sur-Catanduanes area bukas ng hapon.

Sakai to magbabago ng direksyon pa Hilaga patungo sa Philippine Sea silangan ng Northern Luzon sa Huwebes at pa Hilagang Silangan naman sa Biyernes.

Inaasahang lalakas pa ang tropical storm sa susunod na 48 oras at magiging isang severe tropical storm Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga pero dahil sa posibilidad ng pag landfall sa susunod na 24 oras ay posibleng humina rin ito.

Inaabisuhan ang lahat na manatiling maging alerto at mag antabay sa susunod na weather update ng Pagasa,###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *