Buong pwersa ng PNP, ‘all-systems-go’ na para sa pagbabantay sa kaligtasan ng mamamayan sa BSKE sa Lunes

All systems go na ang buong pwersa ng Philippine National Police na magbabantay sa kaligtasan ng mamamayan para sa barangay at SK elections sa araw ng lunes.

Sa press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na on top of the situation ang pambansang pulisya.

Bagamat mayroon aniyang ilang naitatala na insidente ng pamamaril pero isolated incidents lamang ang mga ito.

Giit ng opisyal, generally peaceful ang buong bansa tatlong araw bago ang election day.

Gayunpaman ay hinihingi ng opisyal ang kooperasyon ng publiko na makipagtulungan dahil hindi naman lahat ng oras ay nasa lahat ng lugar ang pulisya.

Sa ngayon, mula 12:01 ng madaling-araw mamaya ay itataas na sa full alert status ang pnp para matiyak ang mapayapa at ligtas na pagdaraos ng BSKE 2023.

Hamon ni Gen. Acorda sa lahat ng pulis, ipakita sa taumbayan ang pasasalamat sa pamamagitan ng paglilingkod ng tapat at patunayan ang malaking tiwalang ibinibigay ng mamamayan sa kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *