Burial Assistance ibinibigay ng Naga City Government sa mga pamilya ng covid-19 fatalities

NAGA CITY – May burial assistance na tinatanggap ang bawat pamilyang namatayan dahil sa COVID-19 mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga.

Nasa halagang 15 hanggang 25 libong piso ang ibinibigay ng City Social Welfare and Development o CSWDO , depende sa kalagayan ng buhay ng biktima. Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Annabelle Vargas, CSDWO Head.  

Mahal kasi anya ang cremation dito sa lungsod na nagkakahalaga ng 30 libong piso na hindi naman kayang bayaran ng City Government sabi pa ni Vargas.

Naibahagi rin ang insedente kung saan may tinulungan silang pamilya ng namatay dahil na hindi na-cremate dahil ang nais ng pamilya ay ilibing itong maayos sa sementeryo.

Magde-depende pa rin daw sa pamilya kung anong sistema sa pagpalibing sa namatay nilang kaanak kung sa sementeryo o cremation ayon pa sa opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *