Bushfire, muling naitala sa paanan ng Bulkang Mayon kahapon

LEGAZPI CITY – Muling nakapagtala ng insidente ng bushfire sa paanan ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay, partikular sa Brgy. Tumpa, bayan ng Camalig.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Camalig Municipal Public Information Officer Tim Florece, sinabi niya na napag-alamang nagsimula ang insidente bandang alas 5 ng hapon at agad na nakapag-deploy ng mga responders.

Base umano sa imbestigasyon, dulot ito ng matataas na heat index na naitatala at kakulangan sa tubig-ulan. Ayon pa kay Florece, kusang natigil ang bushfire bandang alas 2 ng madaling araw kanina.

Samantala, ito na ang pangalawang insidente ng bushfire sa may paanan ng bulkan ngayong linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *