Business groups hindi pabor sa panukalang suspension ng buwis sa langis

Nanawagan ang ilang business groups sa bansa sa mga presidential aspirants na irekunsidera ang panukala ng mga itong suspensiyon sa oil at electricity taxes.

Ayon sa pinag-isang pahayag ng Makati Business Club, Go Negosyo, Philippine Chamber of Commerce and industry at Philippine Retailers Association, sa halip dapat umanong isulong ang targeted assistance para sa ilang partikular na sektor.

Dagdag pa ng mga ito, mas subok at epektibo ang targeted measures kesa sa blanket suspension o pagbawas sa buwis mula sa langis at kuryente.

Paliwanag ng mga negosyante malaking bagay ang mga makokolektang buwis upang makalikom ng karagdagang pondo ang gobyerno para sa pandemic response at masuportahan ang economic recovery.

Naniniwala din ang grupo na mapapabilis nito ang economic recovery, partikular ang paglikha ng mas maraming trabaho at pagbibigay ng oil subsidy sa mga public utility vehicle driver at operator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *