Business groups, suportado ang stratehiya na i-prayoridad ang NCR sa COVID-19 vaccination

Nagpahayag ng suporta ang mga malalaking business groups sa stratehiya na mabakunahan kontra COVID-19 ang 40 hanggang 50-percent ng adults sa National Capital Region at sa mga karatig nitong probinsya.

Base sa datos na iprenesenta ng OCTA Research Group sa business groups na pinangunahan ng Go Negosyo at ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, ay pwedeng makamit ang “population protection” at maiwasan ang surges ng mga kaso ng COVID-19 na pwedeng magresulta sa lockdown kung mababakunahan ang 40% ng mga tao mula sa NCR Plus 8.

Ipinaliwanag ng OCTA na kung mangyayari ito ay bababa ang bagong COVID cases per day sa 1,000 para sa buong bansa at 140 na bagong kaso sa NCR dahil babagsak ang average daily attack rate sa less than one per 100,000.

Samantala, isinulong naman muli ni presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang pagpapabilis ng pacing ng vaccination kasabay ng pagdating ng milyon-milyong bakuna ngayong buwan.

Iginiit ni Go na kailangan ito upang mabuksan ang mas marami pang sektor ng ekonomiya at maisalba ang mas maraming trabaho at ang micro, small, at medium enterprises na nagkakaproblema dahil sa mobility restrictions.

Leave a Reply

Your email address will not be published.