Byahe ng mga barko sa Tabaco Port patungong Catanduanes, kanselado dahil sa bagyong “Betty”

LEGAZPI CITY – Pansamantala munang kinansela ang byahe ng mga barko sa Tabaco Port patungong lalawigan ng Catanduanes dahil sa bagyong “Betty”.

Sa inilabas na advisory ng Philippine Coast Guard District Bicol, hindi muna pinapayagang maglayag ang anumang uri ng vessels o bangka sa karagatan dahil mayroon nang ibinabang storm gale warning ang PAGASA sa Bicol Region.

Pinagbabawal na rin ang mga mangingisda sa Albay na pumalaot sa karagatan upang maiwasan ang anumang insidente dahil sa sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *