Bypass road na magpapabilis sa biyahe mula region 2 – Manila, inaasahang matapos ngayong taon

Inaasahan na sa susunod na taon ay tuluyan nang matatapos ang by-pass road na kasalukuyang ginagawa sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang naturang by-pass road project ay mayroong 5.418 kilometro kung saan nagkakahalaga ng P897.85 million ang pondo nito.

Ayon sa Project Engineer na si Elmer Escobar, kapag tuluyang matapos ang by-pass road ay makatutulong ito sa sitwasyon ng trapiko sa mga national highway.

Aniya, mababawasan ng 45 hanggang isang oras ang biyahe mula sa bayan ng Bambang hanggang sa manila at makikinabang dito ang 10,000 mga motorista kada araw.

Kaugnay nito, pinabibilis naman ni Governor Jose Gambito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang konstruksiyon ng by-pass road upang mabigyan na ng alternatibong ruta ang mga commuters na papasok at lalabas sa Lambak ng Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *