C-130 na bumagsak sa Sulu, nagamit sa pagde-deliver ng COVID-19 medicines at equipment – BARMM

Nakisimpatya ang Bangsamoro Government sa mga pamilya ng mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 military cargo plane nitong Linggo.

Sinabi ng BARMM, na naging mahalaga ang naturang aircraft sa COVID-19 response dahil nagamit ito sa pagde-deliver ng mga gamot, supplies at equipment sa rehiyon.

Ayon kay Minister Naguib Sinarimbo, spokesperson ng Bangsamoro government, na noong tatlong linggo lang ang nakararaan ay nakasakay sila sa parehong C-130 plane kasa-kasama ang kaniyang team mula sa Ministry of Interior and Local Government (MILG).

Ipinunto niya na pinahiram ito sa kanila noon ni Armed Forces of the Philippines Chief General Cirilito Sobejana para maisakay ang kanilang management team, ang ilang medical equipment at supplies para sa kanilang island provinces.

Dagdag ni Sinarimbo, naging instrumento rin ang naturang eroplano sa pagsundo sa mga empleyado na na-stranded sa ilang isla sa loob ng dalawang araw.

Matatandaan na bumagsak ang eroplano na may 96 na pasahero nitong Linggo, alas-11:30 ng umaga.

Tinatayang nasa 42 na sakay ng eroplano ang nasawi habang nasa 3 naman na nasa lupa nang mangyari ang insidente ang binawian ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *