Inatasan ng Court of Appeals ang Office of the Ombudsman na imbestigahan ang reklamo ni dating senador Leila De Lima kaugnay sa pag-gamit ng mga convicted criminals para tumestigo sa kaniyang drug case.
Ikinatuwa naman ni De Lima ang desisyon ng CA na pagbigyan ang kanyang apila na kinukwestiyon sina dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre at Solicitor General Menardo Gueverra para sa statement witness status sa mga convicted criminals sa kanyang kinakaharap na kaso.
Una ng binasura ng Ombudsman ang criminal at administrative complaint ni De Lima laban kina Aguirre at Gueverra.
Pinuna ito ni De Lima dahil paglabag aniya sa witness protection law, wala rin umanong imbestigasyong ginawa at hindi pinasagot ang mga inaakusahan.
Inapela niya ang administrative case habang ang criminal aspect ay nasa Korte Suprema.
Pinagbigyan ng Court of Appeals ang petisyon ni De Lima na humihiling na i-review ang desisyon ng Ombudsman na nagbabasura sa kanyang reklamo laban kina Aguirre at Guivarra.
Ibinasura ng CA ang desisyon ng Ombudsman dahil hindi umano dumaan sa due process kaya inutusan ang Ombudsman na dinggin muli ang reklamo ni De Lima
Handa naman si Solicitor General Menardo Guevarra na sumagot sa reklamo.