CA, pinatatanggal sa mga otoridad ang pangalan ni Leyte Rep. Veloso sa narco list

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) sa law enforcement agencies na tanggalin ang pangalan ni Leyte Representative Vicente Veloso III mula sa listahan ng mga politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y dawit sa illegal drug trade.

Kaugnay nito, ipinag-utos rin ng appellate court sa mga otoridad na sirain ang lahat ng mga dokumento, records, at impormasyon na may kaugnayan sa pagkakasama ni Veloso sa tinaguriang “narco list.

Sa resolusyon ng CA Former Special Eighth Division, inaatasan rin ang mga otoridad na hindi na isama ang pangalan ng mambabatas mula sa anumang publicized derogatory list na bigo umanong sumunod sa due process at mula sa pagkuha ng anumang hakbang na may kaugnayan sa mga dokumento, records, at impormasyon na nagresulta sa paglalabas ng narco list noong March 14, 2019.

Nilinaw naman ng CA, na ang kanilang aksyon ay hindi dapat maging hadlang sa obligasyon ng Executive department na ipatupad ang lahat ng kaukulang batas o “absolute censure” sa panig ng gobyerno para habulin ang mga dawit sa illegal drug trade at iba pang criminal activities. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *