CAAP Puerto Princesa, mas maghihigpit sa mga pasaway na driver sa loob ng airport

Mas mahigpit ngayon ang ipinatutupad na regulasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Puerto Princesa sa mga pampasaherong sasakyan na hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na patakaran ng paliparan.

Ayon kay CAAP Area Manager Mohammad Naga S. Rascal, hindi nila papayagan ang mga pasaway na van driver na makapasuk sa bisinidad ng paliparan lalo pa’t kung meron na itong ginawang paglabag. Isa sa mga tinutukoy ng opisyal ang pamimeke ng ID upang makapasok sa airport at makapag pickup ng pasahero.

Matatandaan kasi nang mayroong inarestong isang van driver sa PPC International Airport noong nakalipas na linggo dahil sa ginawang violation na mas pinabigat pa matapos umanong pagmumurahin ang mga airport personnel.

Ang naturang Driver ay madami nang paglabag sa paliparan kung kayat naka Ban na ito at hindi na maaaring pumasok sa bisinidad ng airport.

Nakatakda rin nilang sampahan ito ng kaso upang mabigyan ng leksyon. Samantala, paalala ng CAAP na kompletuhin ng mga Van drivers at operators ang kanilang mga passes gaya ng ID upang malaya silang makapasok at sumunod sa mga regulasyon.

Nagbabala naman si CAAP Manager Rascal na otomatikong i ba-ban ang mga transport operator na mapapatunayang namimeke ng ID ito ay upang maisaayos ang sistema sa loob ng paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *