Cabinet members, hindi maaring pilitin na pumunta sa Senado para sa ‘question hour’

Nanindigan si chief presidential legal counsel Salvador Panelo na hindi maaring pilitin ng Senado ang mga opisyal ng executive branch na dumalo sa mga hearing.

Ito ay kung magsasagawa lamang ang mga senador ng “question hour” at hindi ang posibilidad ng paglikha ng bagong batas.

Ayon kay Panelo, bagamat nasa ilalim ng batas ang congressional power of inquiry, ay kinilala ng Korte Suprema na pwedeng maabuso ang karapatan ng Kongreso na magsagawa ng inquiries in aid of legislation.

Naniniwala si Panelo na posibleng nagagamit ang inquiries bilang panakip sa tunay nitong layunin na usurpation ng judicial functions, tulad anya ng nangyayari ngayon.

Matatandaan noong Lunes ay intutusan ng Pangulo ang mga miyembro ng Gabinete na humingi muna sa kaniya ng permiso bago dumalo sa mga pagdinig ng Senado.

Inutos ito ng Pangulo sa gitna ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagbili ng administrasyon sa overpriced COVID-19 supplies tulad ng face shields at PPEs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *