Cabinet plan sa 2023, inilatag

Inisa-isa ng mga miyembro ng Gabinete ang kanilang plano para sa taong 2023.

Sa idinaos na kauna-unahang Cabinet meeting ngayong taon – inilahad ng mga Kagawaran kay Pangulong Bongbong Marcos ang mga programa nito at ang kanilang mga accomplishments sa nakalipas na unang anim na buwan ng administrasyon.

Inilatag naman ni Marcos ang kanyang mga marching orders kabilang na ang mahigpit na koordinasyon sa mga government agencies para makamit ang 8-point agenda ng Gobyerno.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development na manatiling alerto at nakaantabay sa iba’t ibang mga sakuna sa bansa kabilang na ang patuloy na pananalasa ng mga sama ng panahon gaya ng Shear Line, Amihan, at mga low pressure area.

Nakatakda namang ipresenta ng Department of Education sa pangunguna ni Secretary and Vice President Sara Duterte ang na-rebisang K-to-12 curriculum sa katapusan ng buwan.

Pinatitiyak din ni Marcos sa Department of Justice ang tuluy-tuloy na pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na maaari nang gawaran ng parole.

Samantala, tikom pa rin ang bibig ng Palasyo sa isyu ng destabilization ng Armed Forces of the Philippines (AFP), biglaang pagre-reappoint kay General Andres Centino bilang AFP chief-of-staff, at ang pagpapalit sa liderato ng Department of National Defense.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *