CabSec Nograles: VCO subukan vs COVID-19; Walang risk sa buhay ng tao

Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang lahat ng ligtas at posibleng gamot sa COVID-19 ay kailangang dumaan sa pag-aaral, sa gitna ng patuloy na pamamahagi nito ng libreng virgin coconut oil (VCO) sa Level 1 hospitals, para matulungan ang mga pasyente na nakakaranas ng mild symptoms ng nakamamatay na sakit.

Paglilinaw ng co-chairman ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na ang kanyang pamamahagi ng VCO ay isang personal initiative, at ang private funds na gimamit sa pagbili ng VCO supplies ay ibinigay ng mga concerned parties.

Ayon kay Nograles, nagdesisyon siyang mamahagi ng libreng VCO sa Level 1 hospital, matapos komonsulta sa Deparment of Science and Technology, mga doktor at eksperto na nagsabing ang VCO ay may posibleng benepisyo para sa mga COVID-19 patients na mayroong mild symptoms.

Giit nito, walang risk sa buhay ng tao ang pag-inum ng VCO, kasabay ng paghihikayat na subukan ito.

Binigyang diin ni Nograles na nagsagawa na ang DOST ng pag-aaral kung saan inirerekomenda na ang VCO ay magagamit bilang adjunct supplement sa probable at suspect cases ng COVID 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *