Cabusao wetlands patuloy na dinadagsa ng mga migratory birds sa kabila ng nagbabantang El Niño Phenomenon

NAGA CITY – Shelduck at Pied Avocet, kabilang sa maraming mga ibon na galing pa sa may bahagi ng Europa at Siberia ang makikita sa Cabusao Wetlands na kinagigiliwan ng mga lokal na turista na dumarayo araw-araw.

Ang mga ibon na ito ay makikitang sarap na sarap na kumakain ng mga maliit na shell foods at ang iba ay tila sumasayaw-sayaw pa sa hangin habang lumilipad-lipad sa wetlands.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Abner Avizola, Tourism Officer at Wildlife Enforcement Officer, sinabi niyang nadagdagan ang bilang ng mga turistang bumisita sa wetlands araw-araw para lamang makita ang iba’t-ibang ibon, na mahigpit nilang binabantayan laban naman sa magtatangkang hulihin ito o kaya siluin.

Regular din ang ginagawa nilang paglilinis sa paligid ng wetlands katuwang ang ilang mga pribadong organisasyon ng mga kabataan at mga barangay opisyal. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *