Cacao industry sa Camarines Sur palalawakin

CAMARINES SUR- Pormal nang isinagawa ang Memorandum of Understanding (MOU) signing sa halos 100 magsasaka sa 12 bayan ng Camarines Sur para sa Coconut-based Cacao and Coffee Enterprise Development Project (C3EDP) sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Love Guarin, tagapagpahayag ng DA Bicol, layunin nito na mas palawakin ang mga cacao plantation sa probinsya upang magkagawa ng mas maraming produkto mula sa cacao. Aniya, bumababa na ang bilang ng mga pananim na cacao sa rehiyon kung kaya’t kailangan itong muling paramihin.

Naipamahagi sa mga benepisaryo ang 885 vermicomposting bags at organic fertilizer, 225 sachets of KH boron, 25 mini chain saws, grafting knives, grass cutters, long pruning shears, 75 short pruning shears, at siyam na soil augers na may kabuuang halaga na nasa P2,258,680.

Kabilang sa mga bayan na nakakuha ng mga ito ay ang Tigaon, Caramoan, Baao, Sagñay, Buhi, Presentacion, San Fernando, Calabanga, Libmanan, Del Gallego, Ragay at Lupi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *