Calabanga Fisheries Management Unit, nakapag assess na sa mga bangkang nasira ng Shearline at Amihan

CAMARINES SUR- Naikot na ng Calabanga Fisheries Management Unit ang mga coastal barangay para kumustahin matapos ang ilang linggong masungit na panahon.

Sa pag-iikot nila dalawa ang partially damage habang isa ang totally damage; mga mula sa Manguiring at Sibobo. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni  Fisheries Technician Jerome C. Evangelista, maigi nilang tininggan ang mga bangka at beneripika kung ang sama ng panahon na ang dahilan ng pagkasira nito.

Ang mga mangingisdang apektado ay makakatanggap ng ayuda mula sa Lokal na Pamahalaan. Mayroon ding insurance program sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation kaya mahalagang rehistrado ang mangingisda.

Sa ngayon, unti-unti nang nagbabalik sa laot ang mga mangingisda sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *