CALAX Silang Aguinaldo Interchange, nagbukas na kaninang hatinggabi

Nagbukas na kaninang alas dose ng hatinggabi ang Cavite-Laguna Expressway o CALAX Silang Aguinaldo Interchange.

Ayon sa MPCALA Holdings Incorporated, ang 3.9 kilometer 2×2 lane CALAX subsection ng expressway ay inaasahang makatutulong para mapaluwag ang isa sa pinaka-congested highway sa probinsya ng Cavite — ang 41-kilometer Emilio Aguinaldo Highway.

Maaari raw makapag serve ang CALAX-Silang Aguinaldo Interchange ng 5, 000 motorista kada araw.

Ang bagong subsection ay magiging toll-free hanggang sa karagdagang abiso. Magbabayad lamang ang mga motorista kapag nakarating sa Silang East Interchange toll.

Inaasahang lalawak pa sa 45-kilometer expressway ang CALAX sa susunod na taon na nagtatampok ng walong interchange sa Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, Silang (Aguinaldo), Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *