Caloocan Mayor, inatasan ang mga frontliners na maging alerto sa Holy Week

Ipinag-utos ni Caloocan City Mayor Along Malapitan na maging alerto ang mga frontliners sa lungsod ngayong darating na Semana Santa.

Sa direktiba ni Malapitan, sinabi nito sa kanyang nasasakupan na tiyakin ang seguridad at kapayapaan ng mga residente sa paggunita ng Holy Week.

Layon ng Caloocan LGU na maging zero-crime rate ang siyudad ngayong panahon ng Kuwaresma at maging taimtim sila sa kanilang pagninilay.

Payo ng alkalde sa mga Batang Kankaloo, ipagbigay-alam agad sa otoridad ang mga napansing kahina-hinalang mga aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *