Calvin Abueva at asawa ni Mo Tautuaa, nagkainitan matapos ang laro sa PBA

Nagkainitan sina Calvin Abueva at ang asawa ni Mo Tautuaa na si Aida matapos magpalitan ng maiinit na salita sa isa’t isa.

Nangyari ito sa pagtatapos ng Game 2 ng laban sa San Miguel sa Magnolia kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Abueva, nagsimula ang gulo nang pasisigawan siya ni Aida at akusahan siyang gumawa ng facial gesture na nakadirekta sa kanya.

Itinanggi naman ito ni Abueva at sinabing hinihintay niya lamang ang anak niya nang mangyari ang insidente.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Abueva sa isang insidente sa asawa o partner ng isang player dahil noong 2019, namultahan at nasuspinde na siya sa parehong rason sangkot naman ang asawa ni Ray Parks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *