Calvin Abueva, pinatawan ng suspensyon at pinagmulta ng P20K

Pinatawan ng PBA si Calvin Abueva ng one-game suspension at multa na P20,000 dahil sa pag mi-middle finger sa isang fan sa gitna ng laro ng Magnolia laban sa Barangay Ginebra noong Linggo.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nangako sa kanya si Abueva na hindi niya na ito uulitin at hmingi na ng paumanhin sa nangyari.

Nangako naman si Marcial na kapag nangyari mulit ito ay dadagdagan pa ng komisyon ang suspensyon ni Abueva.

Dahil dito, hindi makakalaro si Abueva sa nalalapit na laban ng Hotshots kontra NLEX sa darating na Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *