Camarines Norte isa na lang sa dalawang probinsiya sa Bicol na walang kaso ng pertussis

CAMARINES NORTE – Napanatili ng Camarines Note ang “pertussis free” status makaraang walang maitalang kaso batay sa inilabas na report ng Department of Health Bicol nitong Lunes, May 6.

Batay sa datos ng ahensiya mula January 1 hanggang April 27, 2024 umabot na sa 35 ang kaso ng pertussis na naitala sa rehiyon kung saan 23 dito ay clinical case habang 12 naman ang laboratory confirmed.

Una nang sinabi ng Provincial Health Office na pinalalakas nila ang surveillance at paglalatag ng mga “measures” para hindi kumalat ang sakit sa lalawigan na sa ibang lugar ay mayroon nang outbreak simula pa noong Marso.

Payo pa ng PHO na magsuot ng facemask sa mga matataong lugar at palagiang maghugas ng kamay.

Dapat din umanong magpakunsulta sa doktor bago uminom ng gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *