CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ang Department of Health Bicol ng 26 na bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon
Ang mga bagong kaso ay naitala sa mga bayan ng Daet na may 17, ang bayan ng Labo, Paracale at Vinzons ay nakapagtala ng tig-dadalawang kaso habang tig-i-isang kaso naman ang mula sa bayan ng Basud, San Vicente at Talisay
Sa Case Bulletin ng DOH, umabot na sa 730 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte mula pa noong Marso 2020.
Wala naman naitalang nakarekober sa sakit kung kaya’t mayroong pa 443 ang kabuuang bilang ng recoveries gayundin ang bilang ng mga nasawi na may 32
Dahil dito, naitala ang kasalukuyang mga aktibong kaso sa 254 o 36.22 % ng total cases