Camarines Norte nakapagtala ng 34 na panibagong kaso ng COVID-19 nitong weekend, bilang ng mga nasawi umakyat na sa 77

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 274 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte matapos na makapagtala ng 34 panibagong kaso ng sakit nitong weekend.

Nitong sabado, 24 ang naitala kung saan tig -5 kaso ang nagmula sa bayan ng Labo at Talisa , 4 mula sa bayan ng Daet, 3 sa Sta. Elena, may tig-2 kaso ang bayan ng San Lorenzo Ruiz at Vinzons habang tig-i-isang kaso ang nagmula sa mga bayan ng Capalonga, Jose Panganiban at Paracale

Kahapon ay naitala rin ang 10 panibagong kaso na nagmula sa mga bayan ng Sta. Elena na may 4, ang Jose Panganiban ay nakapagtala muli ng 2 kaso habang may tig-1 kaso ang bayan ng Capalonga, Daet, Mercedes at Talisay

Sa ngayon ang lalawigan ng Camarines Norte ay pumalo na sa 1,493 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19, mula sa bilang na ito ay 274 ang aktibong kaso, 1,142 ang kabuuang recoveries at 77 na ang nawalan ng buhay matapos na maitala ang 1 pagkasawi nitong weekend

Tiniyak naman ng bawat lokal na Pamahalaan ang agarang pagsasagawa ng contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente habang patuloy na pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga ipinapatupad na Health safety protocols

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *