Camarines Norte nanguna sa Bicol Region sa pagbabakuna sa mga frontliners

CAMARINES NORTE – Nanguna ang lalawigan ng Camarines Norte sa buong Bicol Region sa pagbabakuna sa mga frontliners.

Ito ang inihayag ni acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco sa isinagawang Operational Period briefing on COVID- 19 and ASF kamakalawa.

Ayon kay Francisco, sa 6, 430 katao na kabilang sa A1 o ang workers in Frontline Health Services ay nasa 5, 882 na ang nabakunahan o 91.8 % coverage.

Dahil dito nasa 548 na lang umano ang hindi pa nababakunahan sa A1 group.

Samantala, tatanggap na rin ng second dose ang mga unang batch ng mga frontliners na nabakunahan ng AstraZeneca vaccine noong Marso.

Simula June 7- 11 ay hinihimok ng PHO ang mga ito na makipag ugnayan sa Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sa hiwalay namang panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Franciso na sa panig ng mga senior citizens ay marami pa rin ang nag- aalinlangang magpabakuna kontra COVID- 19.

Kaya naman upang mas mahikayat ang mga ito ay nagbabahay- bahay na rin ang mga Lokal na Pamahalaan upang ipaliwanag ang kahalagahan ng bakuna at proteksyong hatid nito.

Mababatid na pagpasok ng buwan ng Mayo ay isinama na rin ang mga senior citizens at mga may co- morbidity sa mga prioridad na babakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *