Camarines Norte napabilang na sa pinakabagong Universal Healthcare Integration Site sa bansa

CAMARINES NORTE – Napabilang na ang Camarines Norte sa implementing site ng Universal Health Care law sa bansa matapos ang matagal- tagal ding panahon ng paghihintay.

Batay sa Department Memorandum ni Health Undersecretary at concurrent Regional Director ng Department of Health Bicol Dr. Nestor Santiago, as of February 24 ay nagkaroon ng tatlong karagdagang Universal Healthcare Integration site sa bansa kung saan kabilang nga dito ang Camarines Norte.

Ito ay makaraang makumpleto ang mga requirements alinsunod sa Department Memorandum Order 2023- 0384.

Maliban sa Camarines Norte napabilang din sa pinakabagong UHC site ang Albay at Occidental Mindoro.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, dahil UHC implementing site na ang lalawigan ay mabibigyan ito ng karagdagang tulong ng DOH sa larangan ng technical capability, managerial, financing tulad ng special health fund at iba pa.

Maaari na ring mag- avail ngayon ang lalawigan ng mga pondo para sa UHC operation.

Ani Francisco ito naman talaga ang pangarap ng probinsiya lalo na ng mga maralitang matatanda at kapuspalad.

Noong nakaraang taon ay hiningi ni Francisco ang commitment ng mga Alkalde para maging implementing site na ng UHC ang lalawigan na dapat sana ay nasimulan na noon pang 2022.

Kung maalala ay nagpahayag ng suporta ang DOH sa isinagawang Health Summit  dito sa bayan ng Daet noong March 2023 na maging isa sa integration site ng UHC law.

Nilalayon ng UCH law na pagtuunan ng pansin ang curative at health promotion upang mabawasan ang mga naoospital kaya importante umanong mapalakas ang primary healthcare services lalo na sa mga Rural Health Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *