Camarines Norte nasa Moderate Risk Classification sa COVID- 19

CAMARINS NORTE – Isinailalim sa Moderate Risk Classification sa COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte ayon sa Department of Health (DOH)

Sinabi ito ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola sa pinakahuling operational period briefing for COVID- 19 at ASF.

Sinabi ni Iraola na dahil ito sa average daily attack rate (ADAR) at 2-week growth rate of cases.

Ibinigay na umano sa kinauukulang opisyal ng mga barangay ang mga inisyatibong dapat gawin kaugnay nito.

Malaki umano ang papel na ginagampanan dito ng mga Local Chief Executives kaya sila man ay patuloy na pinaaalalahanan.

Sa pinakahuling tala ng DOH sumampa na sa 572 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan at nasa 209 dito ay active cases.

Yan ay makaraang makapagtala ng nasa 11 bagong kaso nitong Huwebes.

Nasa 333 naman ang mga nakakarekober sa sakit at nanatili sa 30 ang namatay.

Ayon pa kay Iraola, mas mabilis na ngayon angĀ  pagpapadala ng mga specimen dahil mula sa Legazpi City ay dadalhin na ito sa Bicol Regional General Hospital (BRGH) na sa Cabusao, Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *