Camarines Norte Provincial Information Office, nagbigay babala sa publiko kaugnay sa gumagamit ng pangalan ng gobernador ng lalawigan

CAMARINES NORTE- Nagbigay babala sa publiko ang Provincial Information Office ng Camarines Norte kaugnay sa taong gumagamit ng pangalan ng Gobernador ng lalawigan para manloko.

Mayroon kasing natanggap ang Office of the Governor ng ilang reklamo ukol sa reservations ng food, hotel, venue, at mga event na wala naman umanong kinalaman si Gov. Dong Padilla.

Pinapayuhan din ang publiko na mag-ingat sa mga taong gumagamit ng pangalan ng gobernador at kung may mga ganitong pangyayari, pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa Governor’s office para kumpirmahin ang mga ganitong transaksyon.

Dagdag pa ng nasabing opisina na sana’y walang mabiktima ang mga taong mapanlinlang sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *