Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office nagsagawa ng Site Assessment At Validation sa Brgy. Mambalite, Daet, Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng site assessment at validation ang Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office sa Brgy. Mambalite, Daet, Camarines Norte nitong buwan ng Hulyo, taong 2023.

Layon ng naturang site assessment at validation ay upang tingnan ang posibilidad na magkaroon ng mangrove river cruise sa kabisera ng bayan ng daet na maaaring makadagdag sa lumalagong listahan ng mga lugar at produktong pang turismo sa naturang bayan.

Pinangunahan naman ni Provincial Tourism Officer na si Mr. Mariano “Bong” Palma kasama ang Engineering Office, Camarines Norte Tourism Ambassadors at ang Provincial Tourism Office Staff ang nasabing site assessment at validation sa Brgy. Mambalite.

Samantala, matatandaang sa kaparehong buwan ngayong taon ay nagsagawa din ng site re-assessment ang Camarines Norte Operations Office sa Alawihao Dam sa Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte upang tingnan kung may pagbabago na ba na nangyari sa lugar makalipas ang unang pagbisita ng ahensya noong taong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *