Camarines Sur may pinakamataas na alokasyon sa dagdag na Astrazeneca COVID vaccine sa Bicol

NAGA CITY-  Dumating na nitong nagdaang araw ang karagdagang bakuna kontra COVID-19 ng Astrazeneca Pharmaceutical Company . Sa mga lalawigan sa Bicol, Camarines Sur ang nakakuha ng pinakamataas na alokasyon.

Para sa 1st dose pa palang 3, 900 ang nakalaan habang 14, 730 para sa 2nd dose.  Sa bilang na ito kasama na ang para sa lungsod ng Naga at Iriga City na hindi nabanggit ng Department of Health kung ilan partikular.

Samantala pinaalala ni Ken Nuyda  ng epidemiology surveillance unit 5 na dapat ang mga nababakunahan ay namomonitor ng maigi. Dapat din aniya na mag paabot kaagad ng impormasyon sa bakuna centers o sa mga focal person kung may adverse effects.

Sa huling tala ng DOH Bicol; 62, 643 na ang administered sa 1st dose habang 27, 884 sa 2nd dose ang administered sa lalawigan sa dalawang brand ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *