Camarines Sur may pinakamataas na FWRI bago ang pagsalubong ng Bagong Taon

CAMARINES SUR-Camarines Sur ang may pinakamataas na bilang ng mga naputukan bago pa man ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa monitoring ng Department of Health (DOH) Bicol sa Fireworks Related Injuries noong Dec, 21, 2023, pito ang mga nasugatan sa Naga at Camarines Sur hanggang nitong Dec. 26, 2023.

Sugatan dahil sa boga ang 17-anyos na binatilyo sa Pili, pati ang 35 anyos na ginang sa Bula. Fountain naman ang isinasugat ng 40-anyos na lalaking residente ng San Felipe Naga City pati ang 36-anyos na ginang sa parehong lugar.  Sa Cararayan, siyam na taong gulang na batang lalaki ang nabiktima ng sparklers. Sa mata naman ang tama ng 7 anyos na batang lalaki sa Tinambac pati ang 26-anyos na lalaki sa Canaman dahil sa boga.  Wala namang naputulan ng daliri o iba pang parte ng kamay , pero may mga nasugatan sa mukha at mata.

Sa datus na iprenisinta ni Ms. Julie Ann Legaspi-Granadino , Regional Program Manager Violence and Injury Prevention Program, mas mataas ito kumpara noong 2022 na may anim sa parehong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *