Local News

Camarines Sur nakapagtala na ng 21 dengue cases ngayong 2023

NAGA CITY- 21 na ang kaso ng dengue sa Camarines Sur ngayong 2023.

Ito ay batay sa record ng Department of Health Bicol mula Enero 1 hanggang Pebrero 4. 90% na ang decrease o pagbaba nito kumpara noong 2022 dahil kung titinggan pa ang record mula Enero 29 hanggang Peb. 4, 2022  sampu na ang nairecord sa mas maikling panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Lupi MDRRM Officer Garry Cruz, sinabing halos walang humpay man ang pag-ulan nitong Enero mabilis lang ang paghupa ng tubig, sa hanay aniya ng MDRRM  aktibo silang nakikipagtulungan sa health office upang kapr-bisig na mapigilan ang pagkalat ng mga sakit. Magandang balita aniya dahil ngayong taon wala pa silang naitatalng kaso.

Pero sa tala ng DOH Central Office  tumaas ng 69%  ang kaso ng dengue sa bansa mula January 1 hanggang January 28 ngayong taon. Sa latest Disease Surveillance Report , iniulat ng Department of Health ang 7,804 na kaso na mas mataas kaysa sa 4,610 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamaraming kaso ang naiulat sa Central Luzon , National Capital Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Calabarzon.

BNFM Naga

Recent Posts

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

2 hours ago

DA: makababawi ang bansa mula sa pagbaba ng rice production

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. na makababawi ang Pilipinas sa produksyon…

3 hours ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng BuCor

Nasa pasilidad na ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.…

3 hours ago

China – nanindigang ‘di aalisin ang mga barko sa mga teritoryo ng Pilipinas

Hindi sinunod ng China ang utos ng Pilipinas na alisin ang kanilang barko sa teritoryong…

3 hours ago

Ilang senador – gustong isailalim sa military training ang mga criminology students

Nilinaw ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na…

3 hours ago

Kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, natagpuan sa Gattaran, Cagayan

Narekober noong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) ng…

3 hours ago