Camarines Sur nakapagtala ng mahigit 15,900 animal bites nitong 2021

CAMARINES SUR- 15,921 ang naitalang animal bite cases sa Camarines Sur nitong 2021. Batay sa tala ng  Department of Health Bicol ang bilang ng mga nakagat ng aso o pusa ay pinakamataas sa Bicol Region.

Nakapagrehistro naman ng 35 human deaths o nasawi dahil sa kagat ng hayop na infected ng rabies. Pinakamataas din ito sa rehiyon, ang lalawigan ay ang pinakamalawak ay may pinaka malaking populasyon sa mga probinsya sa Bicol.

Sumunod sa record ang lalawigan ng Sorsogon na mayroong 10,552 bite cases at 6 human deaths.

Ang Marso ay Rabies Awareness , tema ngayong 2022 ang “Rabies-free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino”.

Inihayag ni DOH- Bicol Rabies Program Coordinator Aida Ruby Jeremias , na tumaas ang bilang ng mga nakagat ng hayop nitong pandemya lalo pa’t maraming nakakahadlang sa rabies program.

Wala mang listahan ng mga bayan o lungsod na masigasig sa Anti-rabies campaign and programs, nabanggit ni Jeremias ang Calabanga. Idinagdag pa na apagkasunduan na aniya nila ng mga LGUs sa Camarines Sur na tutukan din ang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *