Local News

Camarines Sur nangunguna pa rin sa may pinakamataas na COVID-cases sa Bicol Region; dalawa nadagdag sa nasawi kahapon

NAGA CITY- Nangunguna pa rin ang Camarines Sur sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Bicol Region base sa update ng Department of Health (DOH) Bicol.

Sa tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO-Camarines Sur pumalo na sa 3,421 ang kabuuang bilang mula noong 2020. 628 rito ang aktibo, 2,662 ang gumaling na habang nagdagdagan ng dalawa ang nasawi kaya umabot na sa 131.

Ang mga bagong fatalities ay mga residente ng Sto. Domingo Iriga City at Manguiring Calabanga.

Una nang sinabi ng DOH Bicol na ang Camarines Sur at Naga City ay regular na nakakapagpadala ng samples at mayroon ding dalawang laboratoryong nagsusuri; ang Bicol Medical Center na nasa Naga at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) o Bicol Sanitarium sa bayan ng Cabusao.

Samantala sa State of the Region Address kahapon, tinukoy ni DOH Regional Director Ernie Vera , ang mga linalabag na health protocols ng mga Bicolano. Ang pagsisiksikan sa mga pampublikong transportasyon, hindi pagsuot o hindi tamang pag facemask, ang pagpupunuan ng mga resorts at ilan pa.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago