Camarines Sur , non-working holiday ngayon kaugnay ng anibersaryo ng pagkakatatag

NAGA CITY- Anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Camarines Sur ngayong araw, kaugnay nito walang pasok sa mga pampublikong opisina.

Sa bisa ng Republic Act No. 9410, ang ika-27 ng Mayo ay isang non-working public holiday sa buong lalawigan kabilang ang mga lungsod ng Naga at Iriga.

Ang lalawigan ay kilala sa turismo’t agrikultura, narito rin ang ilang mga kilalang unibersidad, mayroon ding mga mula sa lalawigan na nasa larangan ng showbiz, sports, pati politika at tanyag din sa debosyon kay Inang Peñafrancia.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Edilyn Dela Cruz- Capin , sa maikling panahon lamang siya namatili sa Camarines Sur, hindi niya nalilimutan ang mga tanawin at ang mga residente,  ngayon isa na siyang guro sa Probinsya ng Quezon.

Para naman kay Jowie  Benosa ng Bocogan, Lagonoy , ang mga pagkain sa lalawigan at produkto ang isa sa mga maipagmamalaki. Hangad nito na mapaganda pa ang mga kalsada , kung maayos ang mga kalsada nakakabit na rito ang ibang aspeto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *