Camarines Sur tumutugon na sa panawagan ng BMC ukol sa pagsasaayos muli ng mga COVID- treatment centers

NAGA CITY- Tumutugon na ang lalawigan ng Camarines Sur sa panawagan ng Bicol Medical Center at Department of Health Bicol na ayusin muli ang isolation facilities sa kani-kanilang munisipalidad para sa mga COVID-19 mild cases at mga asymptomatic.

Ito ang sagot ni Dra. Natalie Lazaro ng Public Health unit ng BMC sa tanong ng BNFM Naga matapos na ideklara ng pagamutan  ang “Under Full Capacity” at pagkumpirma ng DOH Bicol na halos puno na rin ang ibang COVID-ward sa rehiyon.

Aniya , nakipag coordinate na ang Provincial Government sa BMC para sa one hospital command system. Nagdadagdag na rin ng isolation facilities.

Sa Naga City, bukod sa  City College of Naga at Our Lady of Lourdes Infirmary, binuksan na rin ang Sta. Cruz High School bilang Isolation and Treatment Facility na noong 2020 ay inihanda na sakali ngang mapuno ang mga DOH facilities at  COVID wards ng private hospitals.

Sa record ng DOH Bicol umabot na sa 13, 806 ang COVID cumulative cases sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *