Camsur, natatanging lalawigan na nagtala ng mga bagong kaso ng covid-19 sa Bicol

BICOL – NAGTALA ng 26 na mga bagong kaso ng covid-19 ang rehiyon kahapon daan para pumalo na 58,346 ang cumulative cases ng sakit sa Bicol.

Base sa ulat ng Department of Health, nagmula ang mga bagong kaso sa Camarines Sur habang zero new cases ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Mula nasabing bilang, 10 ang naitala sa Naga City, mayroon 3 ang Canaman, magtigda-dalawa naman ang mga bayan  ng Gainza, Pili, San Fernando at lungsod ng Iriga habang may tig-iisang mga bagong kaso ang Bombon, Buhi, Milaor, Nabua at Ragay.

Samantala, nagtala naman ng 39 na mga bagong nakarekober kung saan 37 rito ang mula sa Sorsoogon at mayroong 2 ang Camarines Sur kung kaya’t umaabot na sa 47,556 ang total recoveries sa Bicol.

Labing apat naman ang bagong nasawi sa sakit kung saan sampu rito ang naitala sa Camarines Sur at apat sa Sorsogon daan para umakyat sa 2,063 ang kabuuang covid-19 fatalities sa kabikulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *